Home » Blog » Open Letter to A Dubai OFW

Share this page:

Open Letter to A Dubai OFW

Open Letter to A Dubai OFW

Isang taon ang nakalipas, ikaw na nagtatrabaho ng labindalawang buwan, matuto at magsumikap kang mag ipon dito sa Dubai.

Sa pagdating ng iyong sahod, ano ang kauna-unahan mong ginagawa? Ako, nilalagay ko sa isang budget excel sheet para makita ko kung ano iyong mga dapat pagkagastusan. Nandyan ang renta sa bahay, mobile data, pagkain, pamasahe, ikapo, bayad sa credit card, padala tapos tinatabi ko na din iyong ‘savings’ ko na tinatawag para sa buwan na ‘yon. Kaya ko kasi na magtabi ng 15% sa sahod at itabi sa ipon. Ikaw kaya mo ba? Pwede ka mag umpisa sa maliit na halaga… Dhs 50, Dhs 100, Dhs 150 buwan buwan.

Kung sakali naman na may natira pa, pwede naman natin itabi lang ito sa bangko upang hindi natin magalaw. Kung minsan nanonood ka ng sine ilang beses sa isang buwan, nagpupunta ka sa Starbucks, nanlilibre ka ng mga kaibigan mo madalas, nagpapacargo ka ng biglaan, may mga emergency din sa Pilipinas at kailangan mong tumulong. Okay lang iyon pero mas maganda kung lahat ito ay maisusulat mo. Ngayon kapag ito ay nagawa mo, lahat ng ginagastos mo sa isang linggo, isang buwan, makikita mo kung saan at ano ang mga pwede mong ‘expenses’ na bawasan. Matuto tayo maghawak ng mga pinaghirapan natin dito sa abroad. Pansamantala lamang ito at hindi natin alam kung hanggang kelan tayo nandito.

Kung ikaw naman ay kumuha ng credit card o nag iisip kumuha, hindi masama ang gumamit nito. Ang masama ay ang maling pagamit. Ako, ginagamit ko ang credit card ko kung may kasama ako manood ng sine, isang beses sa isang buwan. Buy 1 Get 1 free ang offer. Hindi ba nakatipid ako at ang kasama ko? Nakakita ako ng murang airfare ticket pero kelangan ng bayaran agad. Pwede ko naman gamitin ang card. Kung hindi ko talaga mabayaran ng buo pag sahod ko, iconvert ko ng 3 months to pay, pero sisiguraduhin ko na itatabi ko ang pera pambayad dito. Pagkatapos ng 3 months, cleared na ulit ang credit card. May kailangan ang kapatid ko sa school niya, laptop daw, o sige titingin ako dito sa Dubai. May nakita ako sa isang online store or sa shopping mall, 6 months or 12 months to pay, 0% interest. Pwede, dahil hindi mabigat ang ‘full’ payment per month sa loob ng nasabing term. Kailangan mo ba ng pera at wala ka ng naitabi, huwag mong subukan gamitin ang card mo para sa cash advance. Mataas ang interest non kung hindi mo alam! Ilan lang yan sa mga bagay na pwede mo pakinabangan ang credit card. Manghiram ka nalang sa kaibigan mo, wala pang interest! Pero kung nahihiya kang manghiram, mas mahiya ka na hindi magbayad sa tamang oras. Humingi ka ng tulong at pagtinulungan ka, ibalik mo ayon sa inyong usapan. Nangangailangan din yan at pag natuwa sayo, malay mo makahiram ka ulit.

Kaya mo na bang simulan ang pagtitipid, paghahawak ng pera ng maayos habang ikaw ay nasa abroad?


Kung meron kang gustong ishare or comment, sulat ka lang dito or sa email address editor@pinoyindubai.com, also visit our blog for OFW news, stories, jobs www.pinoyindubai.com

Share this page:
Follow us on:
Facebook Twitter Instagram